Loading...

Breaking News

Maine Mendoza wagi bilang Best Supporting Actress, My Bebe Love tinanghal na 3rd Best Picture.

Napabilib ang mga hurado sa kauna-unahang akting awards ni Maine Mendoza o mas kilala na Yaya Dub sa pelikulang My Bebe Love #KiligPaMore.

Maihahanay na si Maine Mendoza sa mahuhusay na aktres sa bansa dahil siya ang hinirang bilang Best Festival Supporting Actress sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2015.


Tinalo ni Maine Mendoza sina Lotlot de Leon, Nova Villa, Kim Molina at Iza Calzado sa kategorya #MMFF2015 Best Supporting Actress.

Ang pelikulang My Bebe Love ang tinanghal na 3rd Best Picture at Gat Puno J. Villegas Cultural Award.

Pinag-usapan din ang pagkapanalo ni Maine Mendoza sa social media at hirit nila sa entry ng Star Cinema at Viva Films bakit wala manlang nakuhang awards ang pelikulang All I Need Is Pag-ibig at Beauty and the Bestie na ipinagmamalaki ng Kapamilya Network.

Mukhang may alas na naman ang AlDub fans sa pang-aasar sa kapamilya fans dahil ang pelikulang sinusuportahan nila ay nangulelat dahil walang nakuhang awards.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment: