Loading...

Breaking News

Goodbye Kapuso, Sam Pinto transfers to TV5.

Tuloy na tuloy na ba ang paglipat ni Kapuso Siren Sam Pinto sa Kapatid Network? Ito ang tanong kung totoo nga bang iiwanan na nya ang GMA-7 upang makipagsapalaran sa TV5.

Sa nakuha naming impormasyon mapapanood na si Sam Pinto sa ibat-ibang programa sa Happy Network at excited siya sa inilatag na proyektong gagawin nya sa TV5.

Ayon kay Sam:
"I think.. it also time for something new, something different this is my time to chill and find out what can i do something better"

Bagamat napapanood siya sa Bubble Gang walang exclusive contract ang bagong kapatid star na si Sam Pinto sa Kapuso Network dahil isa siyang Viva Artist.


Dahil si Vic del Rosario na ang bagong namamahala sa entertainment department ng TV5 asahan na maraming Viva artist ang masisilayan sa nasabing istasyon.

Noong Oktubre nagguest si Sam Pinto sa Happy Truck ng Bayan at mapapanood din siya ngayong Disyembre sa Wattpad presents: Seducing Mr.Wrong.

Isa si Sam Pinto sa mga dapat abangan sa bigating fantaserye handog ng TV5 sa 2016 dahil isa siya sa napiling leading lady ni Richard Gutierrez sa serye Panday.

Makakasama ni Sam Pinto sa inaabangan na fantaserye Panday si TV5 Princess na si Jasmine Curtis, wala pang anunsyo mula kay Sam at sa Viva Management kung per project o magkakaroon siya ng exclusive contract sa TV5.

Mukhang isa si Sam Pinto sa mga naapektuhan na mga kapuso stars sa pagsikat ng AlDub.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

2 comments:

  1. kasi aldug lang ang inaatupag ng GMA eh, yan napasara na ang maraming regional stations nila, nauumay na ang mga tao sa Aldub na abnormal love team ng Pilipinas na may maraming mabababaw at baliw na asal-kalye fans

    ReplyDelete
  2. Truth! Bali balita na rin na papalita na ng GmA ang slogan nilang "kapuso" into "kaAldub" "Serbisyong Kahol"

    ReplyDelete