Loading...

Breaking News

Primetime Drama Series na "Marimar" nauwi sa pagka-FLOP, Megan Young hindi napantayan si Marian Rivera.

Kung si Angel Locsin ang kinikilala bilang Darna si Marian Rivera naman ang kinikilala bilang Marimar sa puso ng mga pinoy viewers.

Mahigit dalawang buwan ng umeere ang teledrama "Marimar" na pinagbibidahan nila Tom Rodriguez at Megan Young sa GMA Telebabad pero kapansin-pansin na hindi ito nagra-rate at pinag-uusapan sa social media.


Mapa AGB Nielsen man o Kantar Media ay luhaan ito sa ratings laban sa namamayagpag sa primetime na Ang Probinsyano na talaga naman tinututukan gabi-gabi.

Sa datos mula sa Kantar Media noong Oktubre 29 nakapagtala ng 17.9% ang serye Marimar laban sa Ang Probinsyano na nakakuha ng 38.7% na ratings.

Walang ingay ang pagganap ni Megan Young bilang Marimar dahil nakatatak na sa isipan ng mga pinoy ang pagiging Marimar ni Marian Rivera na kanyang naging big break sa GMA.

Hindi maiiwasan na maikumpara ang dalawang aktres, mahigitan kaya ni Megan Young ang Marimar ni Marian Rivera na nakapagtala ng 52.6% sa finale episode nito according to AGB Nielsen. Samantala nakapagtala ng pinakamataas na 25.8% na tv ratings ang Marimar (2015).

Kung ikukumpara ang dalawang remake certified HIT ang Marimar ni Marian Rivera kumpara sa Marimar ni Megan Young na nauwi sa pagka-Flop.

Sa online forum na Pinoy Exchange naging usap-usapan ito ng mga kapuso pexers sa malamya na pag-arte ni Megan Young sey pa nila kulang sa hype ang naturang programa todo kasi AlDub ang ibinabalita nang GMA.

jag_meets_jof 
Kung nakinig lang talaga ang GMA sa akin na si Janine Guttierez na ang gawing Marimar baka mas nag-ingay ang Marimar.....Alaws talaga umarte si Megan, parang feeling ko minsan talagang dapat masampal ng todo-todo para lumabas man lang ang konting tinatagong arte....

Kung hindi nagra-rate dapat ng tapusin, totoo kayang minamadali na ang pagtatapos ng serye Marimar?

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments