Loading...

Breaking News

Nadine Lustre is willing to accept “Darna” role if offered to her.

Matapos hirangin ng netizens ang “On the Wings of Love” star na si Nadine Lustre bilang kanilang napupusuang maging kapalit ni Angel Locsin bilang Darna sa isinagawang poll ng Push.com.ph, lalo pang lumakas ang ugong na siya na nga ang papalit sa aktres.

Sa ulat ni ABS-CBN News reporter MJ Felipe sa TV Patrol, nilinaw ni Nadine na wala pang offer sa kanya para maging Darna ngunit handa siyang tanggapin ang role kung sakaling ibigay ito sa kanya.


 “Of course I want gusto ko po siyempre kasi Darna ‘yun ‘di ba? It’s a privilege na maging Darna ka. Bigyan nila ako ng gym time, bigyan nila ako ng time mag train pero bahala na I don’t know, wala pang sinasabi sa akin” pahayag ni Nadine.

Suportado naman ng ka-love team si Nadine. Sabi ni James Reid, “If she’s Darna then I’m Captain Barbell. She could do it. I told her she could do it. Yeah she does [have the body do it].”

Kasalukuyan namang busy ang dalawa sa kanilang teleserye na On the Wings of Love at ang upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nila kasama sina Vice Ganda at Coco Martin na The Beauty and the Bestie.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments