Loading...

Kapamilya Actress "Maxene Magalona" Joins Star Magic.

Kabilang na ang bagong Kapamilya Actress na si Maxene Magalona sa dumaraming stars ng Star Magic at asahan ito na makikita natin sya sa taunang Star Magic Games at Star Magic Ball.

Sa mga hindi nakakaalam ang kanyang ina na si Pia Magalona ang tumatayong manager ng aktres at tila pinaubaya na nila sa Star Magic ang pamamahala sa karera nito sa showbiz.


Mas lalong nakilala ng lubusan at nadagdagan ang mga sumusuporta kay Maxene Magalona simula lumipat ito sa Kapamilya Network, marami din nakakapansin na gumaling din ito sa pag-arte.

Pagkatapos masilayan sa teleserye Dream Dad at Nathaniel mapapanood si Maxene sa Kapamilya Gold program na Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments