Loading...

Breaking News

Kakulay Entertainment Blog unveils new programs for 10 Year Anniversary.

Bilang pasasalamat sa mga "Kakulay" na walang sawang tumatangkilik at sumusuporta sa aming blog inihahandog namin ang mga aabangan sa Kakulay Network sa 2016.

Nagsimula noong Agosto 15, 2006 ang Kakulay Entertainment Blog sa (www.kakulay.blog.com) at dahil maliit lang na kumpanya ang BLOG.com hindi maiiwasan na magkaroon ng mga technical problem sa blog.

Minabuti namin na lumipat sa BLOGGER.com sa taong Pebrero 13, 2013 at makalipas ang mahigit dalawang taon umabot sa mahigit 9.7 millions views ang naitala sa aming blog.

Narito ang mga aabangan sa Kakulay Nework sa aming nalalapit na Kakulay Entertainment Blog 10th Anniversary "Isang dekada ng pasasalamat para sa mga Kakulay".

#ILoveKakulay - Mga fansign na ginawa ng mga kakulay para ipaabot ang kanilang suporta sa aming blog. Bilang pasasalamat sa inyong walang sawang pagtangkilik abangan ang #ILoveKakulay fansign promo dahil ang mapipili naming may pinaka magandang fansign sa aming ika-sampung anibersaryo magkakaroon ng premyo (cash and load).

#WebSerye - Dahil sinuportahan nyo kami, kami naman ang susuporta sainyo abangan ang #WebSerye na ipinalabas sa Youtube na mapapanood sa aming blog. Alam namin na pinaghirapan nyo ang paggawa ng mga web series bilang pasasalamat ife-feature namin ang mga web series na ginawa ninyo dito sa makulay naming blog.


#KakulayStar - Hindi sila artista pero sikat sila sa social media dahil sa kanilang angking galing na ipinamalas at nagbigay ng atensyon sa mga netizens ife-feature namin kayo sa aming blog. Level up ang mga paandar dahil para na rin kayong celebrity, kapag ikaw ang aming napili iupdate namin ang mga ganap sa iyong buhay. Kayo ang bida rito mga kakulay na tiyak instant sikat ka dahil kami ang maghahanap para mapabilang at tawaging kang Kakulay Star.

#KakulayAwards - Naging matagumpay ang 5th Kakulay Blog Awards handog namin sa mga fans na sumusuporta sa kanilang mga idolo inihahandog namin ang mga online poll na dapat abangan Kakulay Awit Awards at Kakulay Blogger's Choice Awards.


#KakulayNewsFeed - Mga online search, movie series, programa na ipinalabas sa Youtube at ang mga ganap sa Kakulay Stars wanna be magtre-trending na dito sa Kakulay Network.

Bilang isang blogger babaguhin din namin ang takbo sa mundo ng blogsite dahil dapat good vibes lang at magkaisa tayo at sumuporta sa bawat isa. Ang mga ganap sa ibat-ibang blogsite ay aming susuportahan at ilalathala sa aming blog.

#KakulayLiveChat - Hoping na masuportahan at matuloy ito dahil sa abot ng aming makakaya para sa mga fans na gusto maka-chat ang kanilang paboritong idolo may pagkakataon ka ng maka-chat ito sa Kakulay Live Chat abangan yan mga kakulay.


Maraming salamat mga kakulay sa patuloy nyong pagsuporta sa Kakulay Entertainment Blog asahan nyo po patuloy kami maghahatid ng patas na balita sa mundo ng showbiz, mga update sa paborito mong artista, online poll at ibat-ibang paandar na ikakatuwa ninyo.




For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments