Loading...

Breaking News

Aljur Abrenica reacts to Sarah Lahbati's Transfer to ABS-CBN.

Nirerespeto raw ng Kapuso actor na si Aljur Abrenica ang desisyon ng kapwa StarStruck winner na si Sarah Lahbati na lumipat sa ABS-CBN.

Itinanghal na Ultimate Hunk si Aljur sa ika-apat na season ng reality-based artista search ng GMA Network; si Sarah naman ang itinanghal na Ultimate Female Survivor sa ika-limang season nito.

Ilan sa pinagsamahang proyekto ng dalawa sa Kapuso network ang Sunday All Stars at ang horror film na Basement.

Pahayag ni Aljur tungkol sa paglipat ni Sarah, “May kanya-kanya tayong lakad, e.

“We’re just making it complicated and ginagawa natin, pag-uusapan kapag may lumilipat ng network.

"Pero kasi, may kanya-kanya tayong lakad at mission sa mundo.

“Kung dun yung lakad niya, masaya ako sa kanya, kasi I’ve worked with her.

“She’s a very talented actress, multi-talented siya, and she offers a lot, e, and inspires a lot of people.

“As long as wala kang itinuturong masama at hindi ka pangit na example, then I’m happy.”

Matatandaang naging kontrobersiyal si Aljur noong 2014 dahil sa paghahain niya ng reklamo laban sa GMA Network at GMA Artist Center sa kagustuhang tapusin na ang kontrata niya rito.

Ngunit tila nagkasundo na ang magkabilang kampo at napapanood nang muli si Aljur sa mga programa ng Kapuso network.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments