Loading...

Breaking News

Serye ni JM de Guzman na All of Me titigbakin na sa ere?!

How true na malapit na tsugihin sa ere ang teleserye All of Me na pinagbibidahan nila Yen Santos, Arron Villaflor at JM de Guzman na umeere sa Kapamilya Gold.

Totoo nga ba ang balita na bumalik diumano ang aktor sa kanyang bisyo kaya apektado ang kanyang trabaho, may katotohanan nga ba ito?

Nagsimula ang serye All of Me noong Agosto 31 at mahigit isang buwan na ito umeere, totoo nga ang balitang nagkaroon ng problema ang naturang serye. Dagdag pa ang dahilan diumano nito ay ang bidang aktor na si  JM de Guzman na mayroong problema sa produksyon? How true ito JM?

May lumabas din na balita na balak diumano palitan ang bida na si JM de Guzman sa serye. Kung ratings lang naman ang pag-uusapan wagi ito sa katapat nitong programa base sa datos ng Kantar Media.

Hindi pa tiyak kung tuluyan na ngang titigbakin sa ere ang serye All of Me o papalitan lang si JM de Guzman. Ang makakasagot lang sa isyung ito ay mismong mga taga produksyon ng naturang serye baka naman isa lang itong paninira sa aktor.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments