Loading...

Breaking News

Jericho Rosales and Angel Locsin hailed as newest Primetime King & Queen for 2015.

Pagkatapos ng limang buwan na botohan para sa kategoryang Primetime Queen 2015 Official Online Poll at tatlong buwan naman para sa Primetime King 2015 Official Online Poll sina Angel Locsin at Jericho Rosales ang nagwagi sa nasabing kategorya para sa 5th Kakulay Blog Awards 2015.

Last year si Kim Chiu ang tinanghal na 2014 Primetime Queen at ngayong taon naibalik muli ang naturang titulo kay Angel Locsin. Matatandaan na si Angel Locsin din ang hinirang noong 2013 bilang Primetime Queen.

Naagaw na din ni Jericho Rosales kay Piolo Pascual ang titulong bilang Primetime King for 2015 at pinabilib nya tayo sa kanyang husay sa pag-arte sa mga seryeng The Legal Wife at Bridges of Love.

Sina Jericho Rosales at Angel Locsin ay magkasama sa hit teleserye for 2014 na The Legal Wife na kung saan nominado sila sa nasabing serye. Ibinoto sila ng mga Kakulay natin mula sa social media kaya sila ang nanalo sa taunang online poll.

Ayon sa naging resulta mula sa Ranker na kung saan isinagawa ang naturang online poll nakakuha ng  760 likes ang 2015 Primetime Queen na si Angel Locsin na sinusundan ni Anee Curtis na may 442 likes at nasa pangatlong pwesto naman si Dawn Zulueta na may 331 likes.

Ang 2015 Primetime King na si Jericho Rosales ay nakakuha ng 370 likes laban kina Paulo Avelino na nakakuha ng 341 likes at 262 likes naman mula kay Coco Martin.

Congratulations to Jericho Rosales and Angel Locsin hailed as newest Primetime King & Queen for 2015 see you next year mga Kakulay sa panibagong online poll.

Narito ang naging resulta sa 5th Kakulay Blog Awards 2015 silipin now na!


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments