Loading...

Breaking News

JaDine at KathNiel Loveteam patuloy na namamayagpag at kinakikiligan ng pinoy viewers.

Waging-wagi sa tv ratings ang back to back na kilig serye sa primetime ang Pangako Sa'Yo at On the Wings of Love na namamayagpag sa ere at pinag-uusapan sa social media.

Patok na patok ngayong sa pinoy viewers ang mga teleserye ng dalawa sa pinakasikat na loveteam ngayon sa bansa ang KathNiel at JaDine na talaga naman kinakikiligan gabi-gabi.

Trending gabi-gabi at pinag-uusapan sa social media ang mga teleserye nagpaantig sa puso ng mga pinoy kumpara sa mga katapat nito.


Ayon sa pinaka latest na tv ratings na inilabas ng Kantar Media Philippines noong Oktubre 21 nakakuha ang Pangako Sa'Yo ng 28.7% laban sa 13.8% nang Beautiful Strangers samantala 20.4% naman na ratings ang nakuha ng On the Wings of Love laban sa My Faithful Husband na nakakuha ng 11.9%.

Panalo din sa ratings ang Pangako Sa'Yo na nakakuha ng 30.8% noong Oktubre 22 laban sa Beautiful Strangers na nakakuha ng 14.4%, hindi din nagpaawat dahil wagi din ang On the Wings of Love  at nakakuha ito ng 20.7% na ratings laban sa My Faithful Husband na 12.5% ang nakuha.

Wagi din sa AGB Nielsen Philippines na kung saan ito ang basehan nang GMA na ratings provider at nakakuha noong Oktubre 21 ang serye Pangako Sa'yo ng 21.3% laban sa Beautiful Strangers na 16.5% ang nakuha, 17.7% naman ang nakuha ng On the Wings of Love laban sa 16.3% nang My Faithful Husband.

Oktubre 22 nakakuha ng 20.9% na ratings ang Pangako Sa'Yo laban sa 17.4% ng Beautiful Strangers samantala ang On the Wings of Love naman ay nakapagtala ng 16.5% kumpara sa 16.4% ng serye My Faithful Husband.

Ang ABS-CBN Primetime Bida ang syang nagrereyna sa primetime mapa AGB Nielsen man o Kantar Media ay wagi ito sa ratings laban sa GMA Telebabad.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments