Loading...

Breaking News

Kapamilya Star Juan Karlos Labajo, Certified AlDubBarkads?

Tutok ang buong bansa sa nakakakilig na split-screen love team ng Eat Bulaga (EB) na AlDub dahil hindi lang mga Dabarkads ang nahuhumaling sa panonood sa unbeatable tandem nila Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa katunayan maraming mga celebrities ang sumusubaybay sa pinakasikat na loveteam ngayong taon.


At isa sa mga showbiz personalities na na-hook sa kalye-serye ang The Voice Kids Philippines alum na si Juan Karlos Labajo.

Sa panayam sa kanya ng GMANetwork.com sa morning radio program ni DJ Belle sa Sikat Sa Barangay this Tuesday (September 22), umamin ang binata na isa sa mga pinapanood niya sa TV ang AlDub ng EB.

Saad ni Juan Karlos, “Marami po akong tinututukan especially ‘yung AlDub. Grabe!... Kinikilig po ako sa AlDub.”

#ALDUBMostAwaitedDate reaches 12M tweets

Super impressed din daw siya sa episode ng EB last Saturday dahil umabot sa mahigit sa 12 million tweets ang hashtag nila na ALDUBMostAwaitedDate.

Tinanong din namin siya na kung sakali bibigyan siya ng EB ng chance na madubsmash nila Yaya Dub at Alden, alin sa mga kanta niya sa kanyang album na JK ang kanyang ipahihiram?

Sagot niya, “I would be so happy and I would choose Para Sa ‘Yo po. Baka makadagdag kilig factor po ‘yung [kanta ko], especially [sa] scene po nilang dalawa.”

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments