Loading...

Breaking News

Da WHO: TV Show, nanganganib matsugi sa pagkaubos ng budget ng produ!

Nanganganib na hindi umabot sa tina-target na 13 weeks o one episode ang TV show na ito dahil maagang naubusan ng budget ang mga producer nito.

Heto nga at nakaka-fourth week pa lang ng airing ay stop taping na ang show at footages ng mga naunang episode muna ang ipinalalabas para lang masabing umeere pa rin ito.

Hindi na raw nabayaran ng producer ang production team, kaya isa-isa silang nagri-resign.

Hindi kasalanan ng network kung saan umeere ang show kapag naputol ang airing nito dahil hindi sila ang producer ng show.

Blocktimer ang mga taong nasa likod ng show at binili lang ang oras ng time slot sa network.

Lalong hindi kasalanan ng host ng show ang nangyayari dahil kinuha lang siyang host at ginagawa niya ang lahat para maganda ang takbo ng programa.

Sayang kung hindi magpapatuloy ang show na malaki ang potential na mag-click sa viewers.

Sana lang, pangatawanan ng mga producer ang responsibilidad nila sa network, sa host, production team at mga pumasok na contestant sa show.

Written by: Nitz Miralles

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments