Loading...

Breaking News

Asia's Songbird Regine Velasquez -Alcasid Guests in "Happy Truck ng Bayan" on TV5.

Mukhang wala ng balakid kahit masilayan ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa kahit anong tv network dahil wala na syang exclusive contract sa GMA7.

Kahapon ay special guest si Regine Velasquez-Alcasid sa sunday noontime show na Happy Truck ng Bayan ng TV5.

Bongga ang naganap na birthday celebration ng kanyang asawa na si Ogie Alcasid at sobrang saya ang ganap at paandar sa nasabing programa.


Sa pag-guest ni Ms.Regs sa Happy Truck ng Bayan merong ilan ang nang-iintriga dahil hirit nila tila hudyat na ito na iiwanan na nya ang GMA7?

Bakit nga ba tinanggihan ni Regine Velasquez ang Sunday Pinasaya mukhang sampal ito sa naturang programa dahil mas nauna pa masilayan ang Asia's Songbird sa Happy Truck ng Bayan kaysa sa Sunday Pinasaya na ipinalit sa Sunday All Stars.

Kahit isa sa mga jury ng Starstruck si Ms.Regine tila wala pang kasiguraduhan ang pananatili nya sa Kapuso Network dahil usap-usapan parin ang lipatan isyu.

Ano naman kaya ang reaksyon ni Aiai delas Alas tungkol dito?


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments