Loading...

Breaking News

AlDub fever is really unstoppable as Eat Bulaga whopping 32.4% vs It‘s Showtime‘s 16.6%.

Noong sabado ay naganap ang kalyeserye ng AlDub loveteam sa Eat Bulaga na talaga naman pinag-usapan sa social media hindi lang mga dabarkads pati na rin mga madlang pipol.

Talaga naman hindi na mapipigilan ang AlDub fever dahil bukod sa pinag-usapan ito online at laging trending sa twitter nakapagtala ito ng pinakamataas na ratings.

Ayon sa datos mula sa AGB Nielsen among Mega Manila households nakapagtala ang Eat Bulaga ng 32.4% laban sa katapat nito na Its Showtime na nakakuha ng 16.6% na ratings.

Isa sa pinakamataas na ratings ito na nakuha ng Eat Bulaga at aminin man natin o hindi pumatok ngayon ang ilang segment ng naturang programa kumpara sa katapat nito.

Ano naman kaya ang hakbang na gagawin ng Its Showtime dahil mukhang pati Kantar Media ay natatalo sila ng Eat Bulaga. Gayahin naman kaya nila ang mga paandar ng mga dabarkads?

Regular ng mapapanood ang Funny One Grand Winner na si Ryan Rems sa noontime program na Its Showtime, mukhang ito ang pantapat nila sa AlDub. May Rock and Roll to the World segment na si Ryan Rems sa nasabing programa.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments