Loading...

Breaking News

Sikat na "Pabebe Girls" na sumikat sa social media certified Kapamilya!

Hindi na paawat dahil wala ng makakapigil sa kanilang pagsikat ang sikat at tinaguriang "Pabebe Girls" mula sa social media ngayong telebisyon na naman ang tinatahak.

Nakilala at nag viral ang video ng Pabebe Girls sa fan page ni Senyora Santibanez at dito sila nagsimula at sumikat ng husto.

Kaya naman pumutok ang sari-saring spoof at dubsmash ng mga netizens sa social media at pumatok ito onine.

Ang ABS-CBN din ang unang network na nagkaroon ng mga spoof sa sikat na Pabebe Girls sa programang ASAP at pinag-usapan nga sina Kim Chiu at Alex Gonzaga online dahil sa kanilang pabebe video, sunod naman si Vice Ganda.

Pagkatapos pinag-usapan sa social media may ilang programa at artista mula sa Kapuso Network ang naglabas ng kanilang version ng pabebe video.

Certified kapamilya nga itong mga Pabebe Girls kaya naman may handog ang Asia's Phenomenal Star na Vice Ganda dahil sa wakas ay may kanta syang handog sa madlang pipol at mga pabebe ang "Huwag Kang Pabebe".

Ilang Kapamilya Stars din ang nagpapicture sa mga Pabebe Girls gaya nila KZ Kandingan, DJ ChaCha, Chokoleit at marami pang iba.

Abangan din ang Pabebe Girls sa ibat-ibang kapamilya programs katulad ng Gandang Gabi Vice, Rated K, Its Showtime at marami pang iba.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments