Loading...

Breaking News

Primetime Series na The Rich Man's Daughter magtatapos na ngayong Agosto.

Tiyak na marami ang magwawala lalo na ang mga na-hook sa tomboyserye The Rich Man's Daughter kapag nalaman nila na malapit na ito magbabu sa telebisyon.

Hindi umubra at pinataob ng serye ni Maja Salvador na Bridges of Love ang drama series na The Rich Man's Daughter sa ratings.

Mismong ang dalawang higanteng ratings provider na Kantar Media at AGB Nielsen ang naglabas ng mga datos na ligwak sa ratings ang serye ni Rhian Ramos na The Rich Man's Daughter.

Mababasa dito: Teleserye Bridges of Love patuloy na namamayagpag sa ratings, The Rich Man's Daughter hirap makaarangkada.


Kung may bumitaw sa pagtutok sa nasabing tomboyserye, hindi din magpapaawat ang mga sumubaybay mula umpisa dahil sigaw nila pumatok sa kanilang panlasa ang TRMD.

Kung may mga negatibo na komento ang ilang netizens sa social media syempre may mga positive feedbacks naman ito. Sa lahat ng programa sa GMA Telebabad tanging ang The Rich Man's Daughter ang pinag-uusapan sa social media at gabi-gabi trending, hirit nila i-extend pa ito dahil sa ganda ng istorya.

Noong biyernes nag finale storycon na ang cast ng The Rich Man's Daughter at sa nakuha naming impormasyon 1st or 2nd week ng Agosto ito magtatapos.

Nagsimula ang The Rich Man's Daughter noong Mayo 11 at magtatapos ito ngayong Agosto sa makatuwid umabot ito ng isang season katumbas ng tatlong buwan sa ere.

Naging usap-usapan din sa forum na GMA PexLounge ang balitang imbes na 16 weeks ito i-ere, ginawang 13 weeks nalang ang The Rich Man's Daughter. Totoo ba ito Direk Dominic Zapata at Suzette Doctolero? Huwag mag deny dont tell a lie aminin.

Abangan ang maiinit na mga eksena sa nalalapit na pagtatapos ng The Rich Man's Daughter gabi-gabi pagkatapos ng Let the Love Begin at bago mag Pinocchio sa GMA Telebabad.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments