Loading...

Breaking News

Teleserye "Bridges of Love" inilampaso ang tomboyserye "The Rich Man‘s Daughter" sa nationwide ratings!

Mainit ang tapatan noong lunes May 11 sa primetime ng bagong tomboy serye nang GMA Network ang The Rich Man‘s Daughter laban sa serye Bridges of Love.

Kung nagwagi ang The Rich Man‘s Daughter sa Mega Manila na nakapagtala ng 20.7% laban sa Bridges of Love na nakakuha ng 15.8% na ratings, ayon yan sa datos mula sa AGB Nielsen.


Kabaliktaran naman ang nangyari sa nationwide ratings dahil hindi nagustuhan ng pinoy viewers ang bagong inihain na putahe ng GMA Telebabad.

Bigong makaarangkada sa national tv ratings ang tomboy serye The Rich Man‘s Daughter dahil nakakuha ito ng 16.4% laban sa Bridges of Love na nakapagtala ng 21.2% sa pilot episode nito ito ay ayon sa datos ng Kantar Media.

Sa pangalawang gabi ng labanan (May 12) nakapagtala ng 21.1% ang serye Bridges of Love laban sa The Rich Man‘s Daughter na nakakuha ng 14.5% na ratings.

Kapansin pansin na mas lalong bumaba ang ratings ng The Rich Man‘s Daughter mula sa 16.4% na pilot episode nito lumagapak ito sa 14.5%.

Patuloy na nangunguna ang teleserye Bridges of Love nationwide at inilampaso nito sa putikan ang tomboy serye The Rich Man‘s Daughter.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments