Loading...

Breaking News

Show ni Willie Revillame na Wowowin sa GMA, walang bago?!

Hindi namin napanood ang pagbabalik sa telebis­yon at muling pamimigay ng jacket ni Willie Revillame, pero batay sa mga nakita naming reports, pati na ang dami ng mga taong nagpipilit na makapasok sa loob ng kanyang studio at umaasang mananalo kahit na papaano, marami ang nanood.

Pero siyempre, ilan man ang nakita nating nanood, hindi mo pa rin masasabi kung ano ang kalalabasan ng ratings. Iba naman kasi ang gumagawa ng survey sa audience share ng mga TV shows.


Pero iyong inaasahan naming pagkakagulo ma­ging ng en­tertainment press sa pagbabalik ng bigayan ng jackets ay tila wala. Maski iyong mga mahilig na mag-post ng mga press release sa Facebook muk­hang tahimik. Bakit kaya ganoon? Hindi ba nila itinuring na isang event ang pagbabalik ng bigayan ng jacket?

Ang isang narinig naming comment, kung ano raw ang porma ng show na sinimulan ng ABS-CBN, at itinuloy ng TV5, iyon pa rin daw ang napanood nila sa Channel 7.

Natural naman iyon dahil iyan ang kanilang tested formula. Doon sila nag-click, kaya bakit mo naman babaguhin? Hindi pinag-uusapan diyan ang program content, basta namimigay sila ng malalaking premyo, iyon na iyon.

Ang magandang nakita naming pagbabago ay iyong announcement ng GMA 7 na ang show na i­yon ay taped. Hindi siya gagawing live. Kung gano­on nga naman, maiiwasan ang ilang problema. Noong panahon ng ABS-CBN, nagkaroon sila ng isang problema nang maliwanag na lumabas na may dalawang numero para sa isang kahon, ikina­tuwiran nila na iyon daw ay pagkakamali lang sa props.


WOWOWIN Opening Prod. May 10 2015
Wowowin's Grand Opening Prod. Just Wow!
Posted by Wowowin on Sunday, May 10, 2015
Noon namang panahon ng TV5, natangay sila ng katuwaan at ang isang batang lalaki ay pinagsayaw na parang isang macho dancer, na hindi nagustuhan ng marami.

Kung ganyan nga namang taped ang show, maiiwasan ang mga ganoong controversy. Isang show pa lang naman iyan. Hintayin natin kung ano pa ang mangyayaring kasunod.

Ang hindi lang namin gusto sa mga ganyang palabas ay iyong elemento ng game of chance, parang Lotto rin. Parang lumalabas na iyon na lamang ang pag-asa ng isang taong umasenso.

Nawawala iyong elemento na kailangang magsikap ang isang tao para umunlad ang buhay.


Written by: Ed de Leon


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments