INDAY BOTE mukhang naapektuhan rin ng Flop Concert ni Alex, serye huling dalawang Linggo nalang!!
Tila sinadya atang tapusin at tuluyan nang tigbakin sa ere ang seryeng 'INDAY BOTE' dahil na rin sa hectic schedule ng bidang si Alex Gonzag. From her music career, movie adaptation ng mismong libro niya this 3rd quarter of the year at ang paghohost niya sa next season ng Pinoy Big Brother this June.
Kung pagdating naman sa datus sa TV Rating ay wala naman itong problema sa Kantar Media pero ewan ko lang sa AGB Nielsen kung saan ang laging nangunguna ay ang mga GMA Network's program.
Somehow, nabigyan naman ni Alex ng justice ang nasabing role niya sa Inday Bote ngunit hindi pa natin talaga nalalaman kung bakit ganoon lang katagal ang pag ere ng nasabing serye na 53 episodes lang or tinakbo lang ng halos 2mons and 2weeks.
Ngunit sa pagtatapos ng nasabing serye ay hindi tuluyang maglalaho si Alex sa national TV dahil kagaya nga ng sinasabi ko ay sobrang dami ng sched ng aktres. But by this 3rd quarter of the year ay inaasahang ipapalabas na sa buong bansa ang movie adaptation ng kanyang sariling bestselling book na "Dear Alex, Break na Kami. Paano? Love Catherine" under Star Cinema. Gonzaga is set to team up with Luis Manzano and James Reid for the said movie adaptatio. And nakatakda pa si Alex na maging parte nga sa huling dalawang season ng Pinoy Big Brother sa dos kasama ang kanyang kapatid, si Bianca Gonzales at Robi Domingo.
Originally written by Philippine Current Gossip


No comments