Loading...

Breaking News

Hit Romantic Primetime Series "Forevermore" magtatapos na sa May 22.

Huling tatlong linggo na lang ng hit romantic drama series na "Forevermore" na pinagbibidahan nnila Liza Soberano at Enrique Gil.

Pagkatapos patumbahin ang tatlong drama series ng GMA na Hiram na Alaala, Strawberry Lane at Once Upon a Kiss na umuwing luhaan, nakatakdang magtapos ngayon buwan ang nasabing serye.

Umabot ng mahigit pitong buwan sa ere ang seryeng Forevermore na gabi-gabi pinag-usapan at tinutukan ng pinoy viewers, pero sey nga nila walang forever na mangyayari.

Dahil sa taas ng ratings at trending sa social media hindi kataka-taka na tangkilikin ito ng pinoy viewers, sa katunayan umabot ito ng dalawang season sa ere.

Excited na rin ang mga fans sa pagtatapos nito na magkakatuluyan sina Alexander Grande III at Maria Agnes Calay na bukambibig ng masang pilipino.


Abangan ang kapana-panabik na pagtatapos ng teleserye Forevermore gabi-gabi pagkatapos ng Nathaniel at bago mag Bridges of Love sa Primetime Bida ng ABS-CBN.



For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments