Loading...

Breaking News

Da WHO: Young Actress, nagdadalawang-isip kung papatol sa Young Actor na nalawayan na ng bading!

Pinopormahan nga ngayon ng young actor na ito ang isang young actress na nakakasama niya sa isang show.
Panay nga raw ang tawag at padala ng regalo ni young actor kay young actress.

Siyempre, kilig-kiligin ang young actress sa ginagawang ito ni young actor.

Pero may nagsabi na nga sa young actress na mag-ingat siya dahil baka pinapasakay lang siya ng young actor dahil gusto lang nito makawala sa dyowa nitong bading.

Inalam nga ni young actress kung ano nga ba ang background ni young actor. Nalaman nga ni young actress na matagal na palang alaga ng isang bading ang young actor noong nagsisimula pa lang ito. Lahat ng gastusin ni young actor at ng kanyang pamilya ay inako na ng bading basta tuloy lang ang relasyon nila.

Ngayon kasi ay kaya na niyang buhayin ang kanyang pamilya, gusto na nitong magpaalam sa bading na matagal nang inalagaan siya.

Pero papakawalan lang daw siya ni bading kapag nakahanap na ito ng babaeng tunay na magiging girlfriend niya.

Kaya si young actress ay napapaisip tuloy kung totoo ba ang nararamdaman ni young actor sa kanya o ginagamit lang siya nito para lang makawala na siya sa piling ng bading?

Sa ngayon ay patuloy na sinusuyo ng young actor ang young actress at hoping nga na sagutin siya nito.

Pero depende nga sa young actress kung papatulan niya ito lalo na’t alam niyang dumaan na ito at nalawayan na ng isang bading.


Written by: Ruel Mendoza

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments