Loading...

Breaking News

Da WHO: Sikat na Aktres, nakipag-meeting sa Kapuso Boss.

Hindi kay Janno Gibbs magtatapos ang lipatan isyu sa mga talent ng three major networks.

Kung may umalis sa GMA-7, may lilipat naman daw, aktres siya at ang sabi, nakipag-meeting na sa bossing ng Kapuso channel.

Nang tanungin namin ang isang bossing ng network, nagulat sa pangalang binanggit namin sabay ang pagdi-deny.

Kaya maghintay na lang tayo kung totoo ang tsikang may lilipat na naman.

Iyong isang aktres naman, tuluyan nang pinakawalan ng isang network.

Hindi na ni-renew ang kontrata nito, kaya siguradong busy ang manager ng aktres na maghanap ng network na kukuha sa talent niya.


Written by: Nitz Mirallez

No comments