Loading...

Breaking News

Da WHO: Show tsutsugihin na raw bida nalalaos na!

Tama ba ang narinig namin na may isang TV show na on the way out na naman daw? Tama ba ang narinig namin na hindi happy ang executives ng network sa resulta ng kanilang show?

Parang kawawa naman kung hindi man lang tatagal ng kahit na isang season ang nasabing show. Sana naman patapusin nila kahit na isang season lang ito.

Masakit din naman sa isang artista ang masabing aalisin ang show niya dahil mukhang laos na siya talaga at wala nang nangyayari sa kanya.

Siguro ang dapat nilang gawin ay ayusing mabuti ang show, subukan kung may maipapasok na mga bagong segments para makatawag ng pansin, at tulungan naman nilang umangat.

Parang mali rin naman iyong basta sabihin na “laos na siya” tapos aalisin na lang ninyo.

Written by: Ed de Leon

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments