Loading...

Breaking News

Da WHO: Pamimirata sa magaling na Aktor, naagapan ng network!

Muntik lumipat sa ibang network ang magaling na aktor na ito, mabagal lang ang network sa paglatag ng shows na gagawin ng aktor ’pag lumipat ito sa kanila.

Natunugan yata ng network, kung saan matagal nang nagtatrabaho ang aktor, na pina-pirate ito ng kalabang network, kaya mabilis na in-offer-an ng soap.

After a week mula nang kausapin ang manager ng aktor sa offer ng network, nagti-taping na ito ng bagong soap.

Nagulat na lang ang kabilang network nang malamang nagti-taping na ang aktor ng bagong soap, pero sila rin ang may kasalanan.

Sabi nga ng manager ng aktor, mabagal kumilos ng taga-kabilang network, eh, kailangan nang magtrabaho ng aktor para malibang dahil laging iniisip ang nangyari sa kanilang pamilya.


Written by: Nitz Mirallez

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments