Angel Locsin says she is emotionally and financially ready to settle down with Luis Manzano anytime soon
Inamin ni Angel Locsin, 30, na natuwa siya nang malamang hayagan ang pagsasabi ng boyfriend niyang si Luis Manzano, 34, na malapit na siyang mag-propose ng kasal.
Ganunman, ayaw rin ng Kapamilya actress na magmukhang “assuming” pagdating sa usapang paglagay sa tahimik.
Nakangiting pahayag ni Angel, “Well, yes, I’m kilig.
"Pero sa akin kasi, kung mangyayari, mangyayari.
“Hindi naman ako nagra-rush.
“Kung ganun yung sinasabi niya, nakakakilig naman talaga.
“Pero wala namang pressure. Relax-relax lang.”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Angel sa media launch ng Tropical Paradise makeup collection ng Avon, na ginanap sa Amber Ultra Lounge sa Taguig City, Huwebes ng gabi, May 21.
Hindi kaila sa publiko na mismong ang ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos at mister nitong si Senator Ralph Recto ay panay ang hirit na simulan na ng TV host-actor ang pagbuo ng sariling pamilya.
Sa parte ni Angel, madalas din umano siyang biruin ni Governor Vi tungkol dito.
“Umaabot kami sa point na habang nagdya-judge kami ng singing contest, kinakalabit nila ako ni Tito Ralph, habang may kumakanta, [sumesenyas sa akin], may hawak na dog.
“‘See? I have to get a dog kasi wala pang baby.’
“Sabi ko, ‘Ah, kasalanan ko po? Kasalanan ko, Tito? Ayun po si Ryan o, walang ginagawa. Hindi naman po sa amin lang.’
“[Tapos sabi ko sa kapatid ni Luis] ‘Ryan, magka-baby ka na!’ Tapos tatawa lang si Ryan.
"Pero lambing lang nila yun. Kasi siyempre, of course, kailangan ready talaga," pagbabahagi ni Angel.
FINANCIALLY READY. Kung emosyunal at pinansiyal na aspeto ang pag-uusapan, agad na sinabi ni Angel na handa na siyang magpakasal anumang oras.-by RACHELLE SIAZON

No comments