Loading...

Breaking News

Da WHO: Nagpilit na lang ngang pumasok sa restaurant, Singer Actress na si "J" nagtaray nang wala sa lugar!

May nasagap ako na tsismis sa lunch date namin kahapon ni Papa Ricky Lo sa isang Japanese restaurant, somewhere in Quezon City.

Courtesy of Papa Joey Santos ang lunch namin ni Papa Ricky, kasama ang ibang mga friends ng Obagi Skin Clinic.

As usual, ako ang early bird sa lunch kaya nakatsikahan portion ko ang mga waiter na nag-emote tungkol sa singer-actress na naging customer nila.

Ang sey ng mga waiter, papasara na ang kanilang restaurant nang dumating ang singer-actress pero pinapasok pa rin nila at inasikaso.

Bilang closing time na, sinimulan na ng restaurant staff ang pagliligpit ng mga gamit na ikinaimbyerna ng singer-actress dahil hindi pa sila tapos kumain ng kanyang mga kasama.

Naloka at na-hurt ang staff sa inasal ng singer-actress. Sila na nga ang nagmagandang loob, sila pa ang pinagalitan samantalang puwedeng-puwede na huwag na nilang papasukin sa loob ng restaurant ang grupo ng singer-actress na nagtaray.

Letter “J” ang initial ng first name ng singer-actress at nagsisimula rin sa letrang J ang specialty ng aking favorite restaurant.

Nakikisimpatiya ako sa mga waiter at tauhan ng restaurant dahil regular customer na nila ako.

Saksi ako sa kabutihan at pagiging maasikaso ng restaurant staff sa kanilang mga guest kaya sila ang kakampihan ko, hindi ang singer-actress na nagtaray ng wala sa lugar.

Written by: Lolit Solis

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments