Da WHO: Ayaw nang magkaroon uli ng ‘halimaw’, staff ng production nabahala sa lumalabas na sungay ng Aktres!
Hindi pa man daw nagkakapangalan ang baguhang aktres na ito ay meron nang attitude problem.
Sa isang taping, nagpaka-diva na raw ito. Nagsungit-sungitan sa ilang staff ng production at ang laging panakot ay magsusumbong daw ito sa kanyang mommy.
Nabahala tuloy ang ilang mga nasa production na baka nagkamali silang bigyan agad ito ng project dahil nagsisimula pa lang ay nagpapaka-spoiled brat na.
Hindi nila tino-tolerate ang pag-spoil sa mga artista dahil natuto na sila sa naging resulta ng isang baguhang aktres na masyado nilang pinamper.
Lumaki agad ang ulo nito at naging isang halimaw. Ayaw nilang muling magkaroon ng ganyang problema kaya hangga’t maaari ay gusto nilang putulin agad ang sungay ng baguhang aktres na ito.
Kung bakit naman daw agad itong binigyan ng break, eh wala pa naman napapatunayan. Ni hindi pa nga siya kilala ng marami pero malaking project agad ang ibinigay dito.
Tsika nga ng isang source ay may malakas na kapit ito sa management kaya mas naunahan pa niya ang ibang mga nag-aabang ng kanilang big break.
Written by: Ruel Mendoza
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments