Da WHO: Sikat na aktres, sobrang kapal ng mukha!
Kinabubuwisitan ang sikat na aktres na ito ng kanyang mga kasamahan sa soap opera dahil sa ugali nitong ayaw makihati kapag nagpapabili sila ng pagkain sa set. May usapan kasi ang cast ng show na tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa set, maghahati-hati sila sa gusto nilang kainin sa madaling-araw.
Kaya nag-aambag-ambag sila sa pagkakasunduan nilang ipapa-deliver na pagkain sa set. Pero ang kasama nilang sikat na aktres na ito ay bigla na lang nawawala kapag ang pinag-uusapan ay ang pag-aambag ng pera sa bibilhing pagkain.
Kapag nangongolekta na, si sikat na aktres ay parating wala at nasa loob na ito ng sasakyan niya.
“Kakalokah nga ‘yang babaeng ‘yan. Kapag ambagan biglang nawawala. Pero kapag nandiyan na ang pagkain, biglang lumalabas ng kotse!” kuwento pa ng source namin.
“Tapos ang parating dialogue na hindi raw niya narinig na magse-share ng gastos sa pagkain kasi may kausap daw siya sa phone or nakikinig siya ng music sa car niya.
“Pero makikikain pa rin siya kahit wala siyang share. Ang kapal niyang kuripot siya! At ang lakas pang kumain!”
Minsan ay una na siyang hiningan ng pera para wala na itong excuse. Umaabuso na raw kasi ito, eh pare-pareho lang naman silang malalaki ang talent fee.
Pero umiral nga ang pagiging kuripot at sinabi nito na hindi na siya mag-share dahil busog pa siya sa huling kinain niya.
Nagtaka naman ang lahat dahil huli nilang nakitang hawak ng sikat na aktres ay kape at hindi sila naniniwalang busog ito. Ayaw lang nitong mag-share. Biglang dumating ang director nila ay nagsabing treat na niya ang kakain ng cast dahil maganda ang rating ng show nila. Kaya binalik ang mga ambag ng cast.
Laking gulat nila na biglang lumabas ng sasakyan ang kuripot na sikat na aktres at kunwaring magse-share na siya.
“Naku echosera siya! Narinig lang niyang may maglilibre kaya kiyemeng mag-share siya sa pambili. Maging consistent naman siya sa pagiging kuripot niya at aminin na lang niyang gusto niyang kumain parati ng libre!” talak pa ng source namin.
Written by Ruel Mendoza
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments