Loading...

Breaking News

Comedy Queen Ai-Ai delas Alas magbabalik Kapuso Network?

Confirmed na may pag-uusap na magaganap sa pagitan ng GMA 7 at AiAi delas Alas. Ayon kay Ms. Lilybeth Rasonable, Senior Vice President for Entertainment TV, meron role na nakalaan kay AiAi sa launching serye nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia na Let The Love Begin pero wala pang formal negotiation.

“Kasi ‘di ba galing siya sa abroad. Nagugulat nga kami kung saan nanggagaling ‘yung tapos na ang pag-uusap,” sabi ni Madam Lilybeth nang humarap sa ilang entertainment editors kasama ang   ibang executives ng GMA.

Pero wala pang ibinibigay na detalye ang mga bossing ng GMA kung per project or network contract ang ilalatag nila sa komedyana.

Basta ang isang sigurado, maganda ang role ni AiAi sa sisimulang serye, isa sa second quarter offering ng network.

Wala namang maibigay na info ang mga bossing ng GMA sa sinasabing show ni Willie Revillame sa kanila. Ang top management daw ang nakakaalam dahil hindi nila hawak ang mga block timer nilang programa like Eat Bulaga and Maynila.

So kahit anong tanong sa kanila, wala silang maibigay na details sa kumakalat na balitang kumpirmado ang pagbabalik ng komedyante sa television via GMA 7.

Written by: Salve Asis

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments