Loading...

Breaking News

Bianca King, IC Mendoza at MJ Marfori host sa bagong showbiz-oriented show ng TV5 na “Showbiz Konek na Konek”

It’s confirmed! Matapos ang ilang buwang usap-usapan sa kung ano at sino ang magpo-pronta sa hinahandang bagong showbiz-oriented show ng TV5, kumpirmadong sina Bianca King, IC Mendoza at MJ Marfori na nga ang mga napiling hosts ng programang “Showbiz Konek na Konek”!

Bali-balitang pasok daw ang programa sa bagong morning block na niluluto ng TV5, at kung tama nga ang chismis na ito, ay agree naman kami sa paglalagay dito sa pang-umagang timeslot – tulad na lang ng mga naunang showbiz talk shows ng Kapatid Network na tumatak din sa publiko.

At speaking of which, ay happy kami sa pagbabalik telebisyon ni IC. Bagay namin kasi talaga sa kanya ang ganitong programa, at looking forward kami sa mga magiging pasabog niya, huh!

Happy din kami syempre for MJ, na bukod na nga sa swerte sa love life ay tuluy-tuloy na rin ang pag-arangkada ng karera bilang ang go-to girl ng TV5 sa mga showbiz happenings. For sure mas magiging busy pa siya ngayon dahil bukod sa pagrereport ng chismis gabi-gabi sa “Aksyon” mayroon na rin siyang pang-umagang programa.

And finally, happy din kami of course for Bianca King, na after 10 years in showbiz ay mas nagiging visible pa ngayon dahil sa sunud-sunod niyang project sa TV5. Ito ang kanyang first time na maging host sa isang showbiz talk show kaya’t aabangan namin ang mga dadalhin niya sa programa!

In all fairness naman, very fresh ang pagsasama ng tatlong hosts na ito, na ang chismis pa nga raw ay tutok din sila sa marketing at conceptualization ng show.  Well, very exciting news ito para sa Kapatid Network, kaya abangan natin ang bagong programang ito na ang balita namin ay sometime after ng Semana Santa na eere.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments