Loading...

Breaking News

Vice Ganda inisnab si Nadine Lustre sa Its Showtime?!

Hindi nagustuhan ng netizens lalo na ang mga fans ni Nadine Lustre sa inasta ng tv host na si Vice Ganda sa segment na Sine Mo To noong Desyembre 15.

Marami ang nakapansin na tila inisnab ng tv host na si Vice Ganda ang bagong kapamilya na si Nadine Lustre na syang ikinaloko ng mga fans.

May ilang nakapagsabi na mas gusto ng tv host ang tambalang Kathniel dahil mas matagal na nya itong nakasama kumpara sa Jadine.

Tila tumaas ang kilay ng mga fans sa napansin nila dahil na "Out of Place" ang kanilang idolo sa nasabing noontime show, may ilang nagsabi na dapat hindi na lang kinuhang guest si Nadine kung iisnabin lamang ito.

Patutsad din ng isang fan na tila binastos ni "kabayo" (Vice Ganda) yan ang term na ginamit si Nadine Lustre at hindi daw makatarungan ang pagtrato nito sa kanyang idolo.

Hirit din ng isang fan ginagamit lang daw ni Vice Ganda si Nadine Lustre para sa promo ng kanyang pelikula na Praybeyt Benjamin para pag-usapan ito.

Sey naman ng isang nagkomento binibigyan lang ng kahulugan ng mga fans at sila ang gumagawa ng isyu dahil hindi magagawa ni Vice Ganda ang mang-isnab.


Narito din ang reaksyon ng ilang netizens




For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments