Loading...

Breaking News

Huling Gabi ng Angel Eyes, kaabang-abang!



Patuloy na tinututukan ng bayan ang love story nila Darren at Sienna sa Angel Eyes. Madami nang tinahak ang kanilang relasyon. Maraming beses na rin na sinisi ni Sienna ang kanyang sarili sa pagkawala ng mga minamahal niya sa buhay. Sa natitirang gabi, handa na ba si Sienna na muling makipagbalikan kay Darren?

Kagabi, sasabihin na sana ni Sienna na handa na siyang sumama kay Darren, ngunit isang aksidente ang naging hadlang para maipagpatuloy ang masayang pagsasama ng dalawa.

Nang dahil sa aksidenteng ito, napagtanto ni Sienna na habang nabubuhay pa ang isang tao, dapat  iparamdam sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Sa pagmulat ng mga mata ni Darren, handa na nga ba si Sienna sa  aminin ang katotohanang hindi niya kaya mawalay sa kanya?

Abangan ngayong Biyernes kung papaano magwawakas ang trending love story nila Darren at Sienna sa pinakapinag-uusapang koreanovela ng taon, ang Angel Eyes pagkatapos ng Aquino and Abunda Tonight sa Primetime Bida. Gamitin ang hashtag na #AngelEyesFinale so social networking site na Twitter. Para sa karagdagang updates, iLIKE ang Facebook page ng Angel Eyes ABS-CBN: https://www.facebook.com/AngelEyesABSCBN2.

No comments