Da WHO: Young Actress may pagka-ANING-ANING.
Hindi kataka-taka na walang masyadong kaibigan ang young actress na ito na kasama sa cast ng isang successful na series dahil nga sa kakaibang pinaggagawa nito.
Hilig daw kausapin ng young actress ang kanyang sarili at ito ang kinakatakot ng maraming kasamahan niya. Minsan daw ang lakas pa raw nito magsalita pero wala naman daw itong kausap.
“Akala nga ng mga kasama niya, nagme-memorize ng mga linya niya para sa next take niya. Pero napag-alaman nila na tapos na pala siya at wala na raw siyang dalang script. So ano yun?” pagtaka ng source namin.
Napag-alaman ng aming source na noon pa raw ay sanay nang kausapin ng young actress ang kanyang sarili.
Lumaki raw kasi itong malayo sa kanyang mga magulang at nasanay nang nag-iisa. Kaya na-develop na nitong kausapin ang sarili para malibang siya.
“Kawawa naman. Kasi nga kung kani-kaninong kamag-anak pala lumaki ‘yan dahil naghiwalay ang parents niya. Kaya si young actress, nagkaroon ng inferiority complex. Wala siyang naging kaibigan at sarili lang niya ang naging aliwan niya,” research pa ng source namin.
Kaya nga unti-unti nga raw na gumagawa ng paraan ang mga kasama ni young actress sa show na isama siya sa mga kuwentuhan nila para raw masanay na may ibang tao sa paligid niya.
“Acceptance lang siguro ang kailangan ng young actress na ‘yan. Kulang lang sa atensyon mula sa mga taong dapat nag-aaruga sa kanya.
“Pinagbilinan nga ang mga kasama ni young actress na huwag nila itong iiwan na mag-isa dahil doon daw nagsisimula na chikahin ni young actress ang sarili niya.
“Mainam na ‘yung may nakakausap ito para hindi ang sarili niya ang ineechos niya,” pagtatapos ng aming source.
Written by: Ruel Mendoza

No comments