Loading...

Breaking News

Da WHO: Young Actor, ‘LARUAN’ sa kama ng Aktor na ayaw magladlad!

Nagulat ang mga dating barkada ng isang young actor na produkto ng isang reality show nang dumating ito sa isang event na dala ang kanyang bagong sasakyan. Nang tanungin siya ng barkada kung paano siya nakabili ng bagong sasakyan, sinabi nito na pinag-ipunan niya ito mula sa kanyang trabaho na walang kinalaman ang showbiz.

Nababalita ngang nagtatrabaho sa isang kumpanya ang young actor simula noong maging madalang na ang mga trabaho niya sa showbiz.

Pero siyempre, hindi maiiwasan na may ibang kuwento na alam ang ibang mga kaibigan niya tungkol sa “raket” ng young actor na ito.

“Echosero naman siya. As if naman hindi alam ng barkada niya ang mga ginagawa niya,” sey ng aming source.

“Alam nila kung gaano nito kailangan ng pera dahil marami siyang gastusin sa pamilya niya. Breadwinner kaya siya. Kaya imposibleng ibuhos niya sa isang mamahaling kotse ang mga kinita niya. Kaya alam nila na may bonggang sideline pa ito.”

Alam nga ng barkada ni young actor na boytoy siya ngayon ng isang aktor na ayaw pa rin magladlad. Madatung nga ito at ito raw ang nagbibigay ng panggastos ng young actor lalo na noong panahon na wala itong regular na pinagkakakitaan.

Pinakilala lang daw si young actor ng isa pang young actor din na nanawa na sa bading na iyon. Kung anu-ano raw kasi ang trip gawin kaya umayaw na ang isang young actor. Nirekomenda niya ang young actor dahil game ito sa mga gusto ng bading.

“Gagawin ang lahat ni young actor para lang guminhawa ang buhay niya at ng pamilya niya. Kaya jackpot siya sa papa-papahan niya ngayon,” diin pa ng aming source.

Kaya ang ending, bagong sasakyan ang kapalit sa young actor na nasa pangalan pa niya. Isipin mo na lang daw kung ano ang ginawa ng young actor to deserve the new car.


Written by:  Ruel Mendoza

No comments