Loading...

Breaking News

Da WHO: Nakakadiri Aktres ginagamit ang Boytoy sa panghaharbat ng datung sa mga produ.

Extortionist ang tawag sa aktres na ginawa nang bisyo ang panghaharbat ng datung sa mga produ ng mga pelikula niya.

Tinalbugan ako ng aktres sa panghaharbat dahil pati ang kanyang boytoy, ipinanghihingi niya ng datung. Kadiri siya ‘di ba?

Numero uno sa pagiging abusada ang aktres na kung kailan nagkaedad, saka naging pariwara ang buhay. 

At kapag hindi nakaharbat ng datung, siya pa ang malakas ang loob na siraan ang mga tao na inaabala at pineperwisyo niya.

Sumusumpa ang mga biktimang produ na hin-ding-hindi na nila kukunin ang serbisyo ng pasaway na aktres na lalong lumiliit ang mundo dahil sa kanyang mga attitude problem!


Written by: Lolit Solis


No comments