Da WHO: Inggliserang Young Actress, sosyalera kuno, pero mumurahin ang shoes!
Mabait at maganda ang young actress na ito. Pero, marami ang naiilang sa kanya dahil Inglisera ito.
Minsan sa isang out-of-town event ay naimbitahan siya at ilang na ilang sa kanya ang ilang kasama ng Hermana Mayor kasi nose bleed kung nose bleed daw sila habang katsika ito.
Bago pa man rumampa sila sa Santacruzan kung saan isa siya sa mga reyna na iikot sa nasabing poblacion, panay raw ang bida nito sa mga dala-dala niyang gamit na isusuot.
Sa pandinig ng nasa paligid niya, parang ayaw niyang sumabay sa paglakad kasi, mamahalin daw ang sandal na dala niya at may takong pa. Hindi naman ganun kahabaan ang lalakarin pero, mukhang may parteng lubak-lubak ang nasabing lugar.
Pero, kahit medyo nag-aalangan ang young actress, wala siyang magawa kundi ang sumunod sa organizer kasi, ‘yun ang nakasaad sa kontrata.
Sinita pa nga raw ng actress ang alalay nito kung bakit hindi muna tsinek ang mga dala nila at bakit ‘yung branded na sandal pa ang binitbit nito lalo na’t mamahalin pa ito. ‘Yun nga lang, wala na sila sa sitwasyon para maghanap pa ng mumurahing sandals para gamitin sa kanyang paglalakad.
Habang nagsisimula na ang Santacruzan, lumakad na rin ang actress kasama pa ilang reyna ng nasabing lugar kaya nasa kanya ang atensiyon. Siyempre, siya ang guest star kaya, siya rin ang Reyna Elena.
Heto na ang nakakalokang parte ng rampahan sa kalye. Habang paliko ang ‘Reyna Elena’ sa mabato at lubak-lubak na kalye malapit na sa katapusan ng rampahan, biglang natapilok ang batang aktres.
Meron yatang batong naapakan at may biglang lumagatok sa may paa niya. Buong akala ng mga miron ay nabalian ito ng buto dahil susuray-suray itong naglalakad para tapusin ang Santacruzan.
Nagmamadali pa nga sila para alalayan ito at bigyan sana ng tsinelas pero, halos matawa sila dahil wala naman pala itong bali sa paa. Ang nabali pala ay ang isang takong ng mamahaling sandalyas nito kaya, dedma rin pala ito na patuloy na naglalakad.
Kasi nga, alam niyang mapapahiya siya kung makikita ng tao na takong ang nabali na itatago ng mahaba niyang gown. At nung na-check nga nila ang sandals, nakita nila ang tatak, at hello, marami nun dito sa Pinas, at mura lang `yon, ha!
In fairness, tinapos niya ang prosisyon pero, ginamit na lang niya ang tsinelas na ibinigay sa kanya para nga tuwid pa rin ang lakad niya at hindi nakakaasiwang tingnan.
Kalurkey, ‘di ba? Mahalin daw ang sandalyas pero, madali namang maputol ang takong! Meaning, echosera siya, at mumurahin lang talaga ang gamit niya, ‘no!
Written by: Glenn Regondola

No comments