Da WHO: Guwapong Aktor pumatol sa fan.
Nauuso nga ata ngayon ang mga artistang pumapatol sa kanilang mga tagahanga.
Hindi lamang isa o dalawang kuwento ang alam namin tungkol dito pero, kakaiba ang kuwento ng isang guwapong aktor na ito.
Meron itong show sa isang malayong probinsiya na kung saan, sikat na sikat ang kanilang TV show noon, kung kaya talaga namang dinumog ng mga fan na babae ang kanyang guesting sa isang town fiesta.
Walang gaanong boses ito pero, dahil nga sikat, halos hindi magkamayaw ang mga tao sa katitili sa kanta nitong halata namang lipsync.
Pagkatapos ng show at nakapag-dinner na, hindi natanggihan ng aktor ang imbitasyon ng grupo ng organizer na mag-enjoy sa music lounge ng hotel kung saan sila naka-billet.
Halos mga babaeng fans ang bisita ng organizer na aliw na aliw ang aktor dahil game ang mga ito at tila mga willing victim dahil nga ilusyon nila ang mestisong aktor.
Inom, kanta, lambingan ang nangyari sa gimik na ‘yun.
Kahit nga raw nakakailang na para sa ibang customer pero, mukhang walang pakialam ang grupo. Enjoy kung enjoy.
Heto na ang siste, nang medyo lumalalim na ang gabi’t nakainom na ang lahat, ay nagpaalam si aktor na pupunta sa CR. Sa mga oras na ‘yun konti na lang ang mga customer.
Pagpasok ng aktor para umihi, ‘yung isa sa mga nilalambing niyang fan ay bigla ring pumasok sa CR, hindi sa pambabaeng toilet, kundi para sa mga panlalaki.
Umabot na halos tatlong minuto nang hindi bumabalik sa upuan si aktor at ang kanyang maharot na fan. Mga tatlong lalaki na rin daw ang naghihintay sa labas na gagamit ng CR pero naka-lock ito.
Nagulat na lang daw ito nang lumabas bigla ang medyo pagod pang babae na tila gusut-gusot ang damit na pupunas-punas pa sa bunganga nito.
Sunod na lumabas ang aktor na mukhang nawalan na nang lakas at tila naghahabol ng hininga. At nakalimutan pa raw nitong isara ang kanyang zipper.
Ang tanong ng bayan sa insidenteng ‘yun. Ano ang ginawa nila sa loob ng CR, nagpapiktyur?
source: Abante Tonite

No comments