Loading...

Breaking News

Vicky Morales makakasama nila Mike Enriquez at Mel Tiangco sa mas pinalakas na 24 Oras.

Mukhang palalakasin pa ng GMA Network ang kanilang programa na 24 Oras pagdating sa paghahatid ng maiinit na balita simula ngayong darating na Nobyembre 10.

Mas pinapanuod kasi ng pinoy viewers ang TV Patrol hosted by Noli de Castro, Korina Sanchez at Ted Failon ayon sa datos ng Kantar Media.


Sa pinaka latest na inilabas ng Kantar Media nakapagtala ang 24 Oras ng 16.5% na ratings laban sa TV Patrol na nakakuha ng 26.1 % noong Nobyembre 4.

Sa datos naman ng AGB Mega Manila ratings wagi ang 24 Oras nakapagtala ito ng 20.4% laban sa TV Patrol na nakakuha ng 16.4% noong Oktubre 31.

Tiyak na may malaking pagbabago sa 24 Oras sa pagpasok ni Vicky Morales at dito masusukat kung sino talaga ang wagi sa panlasa ng mga pinoy pagdating sa pagbabalita.


Abangan si Vicky Morales sa 24 Oras simula Nobyembre 10 sa GMA Telebabad.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment:

  1. Ano naman ang source niyo? Feeling niyo maunahan niyo ang Fashion Pulis?

    ReplyDelete