TV5 Ibabalik si Kamahalan sa WATTPAD PRESENTS “Mr Popular Meets Miss Nobody Book 2”
Masayang
ibinabalita ng TV5 na nagbabalik ang Wattpad character na minahal at
kinakiligan ng marami, si “Kamahalan” Kyle sa sequel na WATTPAD
PRESENTS “Mr Popular Meets Miss Nobody Book 2” simula ngayong Lunes.
Dahil
sa sunud-sunod na request na natatanggap ng TV5, inihahandog ng Happy
Network ang pinakaaabangang continuation ng kwento na una nang
kinagiliwan ng mga manonood sa “Mr Popular Meets Miss Nobody Book 1”.
Ibinabalik ng romantic-comedy sequel na ito ang tambalan ng Artista
Academy scholars na sina Mark Neumann at Shaira Mae kung saan
ipagpapatuloy nila ang istorya ng “nobody” na si Chelsea
(Shaira Mae) na ngayon ay official girlfriend ng pinaka-popular na
lalake sa kanilang campus na si Kyle (Mark).
Ipapakita ngayon ni Kyle
kung paano nya ipaglalaban at patutunayan na si Chelsea ang natatanging
babae para sa kanya habang pinipilit sya ng kanyang
ama sa isang arranged marriage sa kanyang nagbabalik na ex-girlfriend
na si Mandy (Yassi Pressman). Magkaroon pa kaya ng happy ending sina
Kyle at Chelsea o tuluyan na kaya silang magkalayo?
Tampok din sa WATTPAD PRESENTS’ “Mr Popular Meets Ms Nobody Book 2” sina Lander Vera Perez, Shirley Fuentes at ang veteran actress na si Perla Bautista, kasama ang mga young artists na sina Diego Loyzaga, Pam Mendiola, Donnalyn Bartolome, Bryan Olano and Prince Justine Navarro.
Kiligin
at muling mahalin si “Kamahalan” sa WATTPAD PRESENTS “Mr Popular Meets
Miss Nobody” ngayon Lunes, November 24, 9:30pm, sa TV5.

No comments