Loading...

Breaking News

Sunshine Cruz out sa pagiging Claudia Buenavista, hirit nya ibang teleserye ang gagawin nya.!

Sa aming artikulo na inilathala nung isang araw ay sinabi namin na mukhang si Sunshine Cruz ang gaganap sa role na Madam Claudia Buenavista sa inaabangan na remake na Pangako Sa'yo.

Sa kanyang guesting sa Aquino and Abunda Tonite sinabi nya na may bago syang teleserye at ang role nya ay isang kontrabida kaya naging palaisipan saamin na baka kasama sya sa serye Pangako Sa'yo.


Pero ng malaman nya ang balitang ito ay kaagad nya ito tinuldukan dahil ayon sa kanya hindi sya ang gaganap na Claudia Buenavista at ibang teleserye ang gagawin nya na next year iere.

Pero sino nga ba ang maswerteng gaganap na Claudia Buenavista sa remake na Pangako Sa'yo may lumabas din na pangalan na bagay si Gretchen Barretto sa naturang role.

Makakasama si Sunshine Cruz sa bagong romantic drama series na Oh My G! na pagbibidahan nila Marlo Mortel, Manolo Pedrosa at Janella Salavador.

Narito ang kanyang tweet sa kanyang official twitter account na @sunshinecruz718






For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments