News5, panalo ng bigating awards sa 36th Catholic Mass Media Awards (CMMA).
Muli na namang tumanggap ng mga prestihiyosong parangal ang News5 sa nakaraang 36th Catholic Mass Media Awards (CMMA), kung saan naiuwi ng News and Information Arm ng TV5 ang dalawa sa bigating awards ng gabi para sa mga programang “Yaman ng Bayan” at “Bigtime”.
Pinarangalan ng CMMA ang “Yaman ng Bayan”, ang special 12-part docu-series ng Kapatid Network na tumatalakay at tumututok sa sari-saring likas na yaman ng Pilipinas, bilang Best Adult Educational Program.
Ang programang ito ay pinangungunahan ng ilan sa mga beterano at pinagkakatiwalaang news anchors ng network, sa pangunguna ng News5 Head na si Luchi Cruz-Valdes (tampok sa litrato sa ibabaw), kasama sina Erwin Tulfo, InterAksyon.com Editor-in-Chief Roby Alampay at Paolo Bediones ng Rescue5.
Kinilala naman ng CMMA Body of Jurors ang “Bigtime” dahil sa pagbibigay nito ng pag-asa sa mga manonood dala ng pag-tampok ng programa sa mga inspiring ng kuwento ng mga ordinaryong mamamayan at ang kakaibang storya sa likod ng kani-kanilang tagumpay.
Nagtagumpay rin ang programa dahil naiuwi nito ang isa pang bigating award ng CMMA bilangBest News Magazine Program ng taon.
At hindi pa diyan nagtatapos ang tagumpay ng Kapatid Network sa 36thCMMA dahil bukod rito ay nanalo rin ang isa sa mga longest-running game shows ng TV5, ang “Who Wants to be a Millionaire”, bilang Best Entertainment Program.

No comments