Loading...

Breaking News

MULTI-AWARDED BROADCAST JOURNALIST ED LINGAO, KASAMA NA SA “AKSYON TONITE”

Muli na namang babaguhin ng TV5 ang larangan ng newscast sa  buong bansa sa pamamagitan ng pagbabalik telebisyon ng beterano at multi-awarded broadcast journalist na si Ed Lingao bilang pinakabagong anchor ng late evening news program ng Kapatid Network, ang “Aksyon Tonite”.

             Dala-dala ni Ed ang hindi mapapantayang halos tatlumpung taong experience niya sa larangan ng pagbabalita, investigative journalism at pati na rin sa news production, na siyang tuluyang nagbigay daan upang kilalanin siya at makamit niya ang iba’t-ibang bigating parangal katulad na lang ng 2010 Marshall Macluhan Award mula sa Canadian Embassy, ang Rotary Club Journalist of the Year noong 2011, at ang Red Cross Humanitarian Award ng 2011.
 
            Kabilang din sa iba pang kahanga-hangang nagawa ni Ed sa kanyang karera ay ang mga hindi malilimutang pagbabalita patungkol sa human rights, usaping-pulitika, at pati na rin sa pagbibigay-linaw sa mga balitang may kinalaman sa pagluklok sa mga naging pangulo ng bansa.

Higit pa rito, kinilala rin si Ed sa kanyang pagiging mapanuri pagdating sa kanyang mga eksklusibong news coverage ng mga digmaan sa iba’t-ibang lugar ng bansa,  pati na rin sa ibang panig ng mundo katulad ng sa Southern Philippines, Iraq, Afghanistan, at East Timor.

Sa pag-pronta ni Ed Lingao sa “Aksyon Tonite”, kasama ang puwersa ng kasalukuyang news anchors ng programa na sina Cheryl Cosim at Jove Francisco, maaasahan ng mga manonood ang mas pinalakas at mas pinalawig pang pagbabalita gabi-gabi, 10:00PM sa TV5.

No comments