Loading...

Breaking News

Mga programa sa ABS-CBN na magtatapos na ngayong 2014.

Narito ang listahan ng mga programa sa ABS-CBN na nakatakdang magtapos ngayong 2014 mga drama at reality program inyong sinubaybayan.

Ang seryeng umabot ng dalawang taon at apat na buwan sa ere at hindi sa primetime pinalabas kundi sa daytime dahil sa mas tinutukan ng kakulay viewers, certified na nag hit sa ere ang kwento nila Maya at Ser Chief romantic drama series na Be Careful with my Heart magtatapos na sa Nobyembre 28.


Punong-puno ng pagmamahal at pag-asa yan ang kwento ni Diane Santos na ginagampanan ni Alex Gonzaga at ito din ang comeback teleserye nya sa ABS-CBN simula lumipat ito sa TV5. Ang pinoy version na fantasy romantic drama na Pure Love magtatapos na ngayong Nobyembre 14.

Ang kauna-unahang romantic reality show sa primetime at siguradong mapapa I DO ka kapag sinabi ni father na will you marry me. Ang reality show na ipinapakita ang katatagan, tiwala at mga pagsubok sa isang couple para sabihin nila ang katagang I DO, ito ay magtatapos ngayong Nobyembre.


Ang kwento ni Eugene "Gin" Magpantay-Agustin na ginagampanan ni Primetime King Piolo Pascual na kung saan sa kanyang kaastigan ay napamahal sya sa mga batang hindi manlang nya kadugo. Ang dramang tumatalakay sa mga batang walang kinikilalang mga magulang na nagbibigay pag-asa sa kanila. Siguradong dapat mong hawakan ang pagtatapos ng hit family drama series na inyong hinawakan Hawak Kamay magtatapos na ngayong Nobyembre 21.


Ang koreanovela kahit hindi nakakakita pero nararamdaman ang itinitibok ng kanyang puso sa lalaking kanyang inibig, pero sa huli malalaman nya na ang kanyang mata ay nagmula sa ina ng kanyang minahal. Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng korean drama series na Angel Eyes this november.



For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments