Loading...

Breaking News

Kapatid Hunk Actor na si Derek Ramsay magbabalik Kapamilya?

Dahil uso ang lipatan ngayon taon maraming artista ang tiyak na makikiuso dahil kung feeling mo laos kana aba bumalik ka sa dati mong tahanan pero may iba naman na gusto mag grow as an artist kaya lilipat sila, ganun kasimple diba.

Sa artikulo ni Ricky Lo sa Phil Star naging palaisipan kung ano ang babalikan ni Derak Ramsay may nagsasabi na babalikan ang dati nitong tahanan meron din nagsasabi na may babalikan na programa o di kaya karelasyon.

Derek Ramsay may babalikan. Anytime now, as soon as the whole thing is finalized, there will be a big announcement about Derek going back to something. In the meantime, all Funfare could give are three guesses: 1). back to an old love, 2). back to an old “home,” and 3). back to an old show. Happy guessing!

Sa ngayon may umeere programa si Derek Ramsay sa Happy Network ang The Amazing Race na napapanuod tuwing gabi sa primetime panalo ng TV5.

May pinirmahan kontrata si Derek Ramsay sa Kapatid Network at milyones ang halaga nito im sure hindi pakakawalan ng TV5 si Derek, hindi gaya ni Sharon Cuneta na pinawalang bisa ang kontrata nya sa nasabing network at nagbayad ito ng danyos.

Matatandaan na malaki ang tampo ng ABS-CBN sa hunk aktor na si Derek Ramsay naalala ko nga dati ung promo nila sa No Other Woman  na tinanggal ang mga eksena ni Derek sa teaser kaya ang siste sina Anne Curtis at Cristine Reyes lang ang nakikita tuwing may promo sa dos.

Pero kung big announcement nga ito aba dapat ng kabahan ang TV5 sino ba naman ang mag-aanunsyo artista na may babalikan syang lovelife aber, abangan na lang natin ang detalye sa mga susunod na araw ang pasabog ni Derek.

Kung kayo ang aming tatanungin mga kakulay ano ang masasabi nyo sa isyung ito?


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

4 comments:

  1. Super laos na kasi si Derek kaya nag-iingay ang kampo niya. At nagagamit pa tuloy ang Kapamilya Network sa gimik nila.

    ReplyDelete
  2. Huwag sana syang bumalik naka move on na ako!

    ReplyDelete
  3. huwag na! malaos sya sa kafatid netweak.

    ReplyDelete
  4. Ang daming bumabalik sa ABS-CBN patunay na kayo ang no.1 habang kami palubog na palubog.! Wilma Galvante bumalik kana sa aming naghihingalong istasyon.

    ReplyDelete