Loading...

Breaking News

Da WHO: Teleserye Director, isinumpa ng mga make-up artists/stylists!

Sobrang imbiyerna ang isang grupo ng make-up artists at stylists sa isang teleserye director na ito. Sinusumpa nga nila ang araw na nakipagtrabaho sila rito dahil bukod sa sobra silang na-stress, para pa raw binastos sila dahil sa ginawa nitong pagkuha sa isang eksena.

Kuwento ng aming source, kukunan daw ang isang malaking scene para sa naturang teleserye. Dahil party scene iyon, maraming extra ang kailangan. Sosyal ang party kaya ang demand ng director ay sosyal ang make-up at mga suot ng mga extra.

“Tumalak si Direk na gusto niya mukhang sosyal lahat ng mga extra. Hindi puwedeng mumurahin ang damit at pangkaraniwan lang ang make-up at hairdo.

“Binigyan ng isang oras lang ang mga make-up artist at stylist na ayusan ang higit na 30 extras para sa naturang eksena. Dahil nga may cut-off time si Direk kaya after one hour ay kukunan na niya ang eksena.

“Kaya naman ang mga bakla, parang mga manok na nagtakbuhan sa kunsaan-saan dahil isang oras lang ang binigay sa kanila. Pinapila na ng mga make-up artists ang mga extra na aayusan. ‘Yung mga stylists naman ay naghanap na ng mga sosyal na damit para sa 30 extras.”

Noong maayos na raw lahat, tiningnan pa ng director isa-isa ang mga inayusan na extra. Natuwa naman daw siya sa nakita niya at pinapuwesto na ang ito sa venue. Pero ikinalokah ng mga bakla ay ang shot daw ni Direk ay mga likod lang ng mga extra!

“Napamura ang mga bakla kasi nga kinareer nila ang pag-ayos sa mga extra. Pero ang mga kamera ay nakapuwesto sa likod ng mga extra at ang shot ay nakatutok lang sa mga artista.”

Kaya sinusumpa nga ng mga bakla ang direktor dahil pinagod lang daw sila at ang ending ay hindi naman nakita sa eksena ang pinagpaguran nilang gawin.


Written by: Ruel Mendoza

No comments