Da WHO: Gutom na Aktres, ‘nilantakan’ pati props na ‘sugpo’ sa taping!
Pinagtatawanan sa taping ang aktres na ito dahil sa ‘kagagahan’ na kanyang ginawa sa isang kilalang network. Isang malaking eksena ang kukunan kaya ang lahat ng mga artistang involved pati na ang mga extra ay nakabihis sosyal. Kasal ang eksena kaya maging ang props na pagkain ay talagang pinaghandaan ng mga taga-production. Ang siste, on call ang aktres na ito kung kaya wala pa siyang gaanong alam sa mga nagaganap sa location.
Naipadala na sa kanya ng advance ang script kung kaya kahit papanoo’y may ideya siya kung ano ang dadatnan kung sakaling ipatawag na siya para sa kanyang mga eksena. Heto nga, pinamadali na siyang papuntahin sa set dahil anytime ay kukunan na siya dahil maghahatinggabi na.
Dahil nakatulog ang aktres habang naghihintay ng tawag, hindi na nito nakuhang lumafang sa haus nila para tumakbo sa set. Nagkataon naman na ang props na gagamitin sa lamesa ng mga ikakasal ay nasa isang tabi dahil wala pa sa parteng ‘yun ang mga kinukunang eksena.
Biglang dumating ang aktres sabay lagay ng kanyang mga gamit sa holding area katabi ng lamesa kung saan ang props na mga pagkain ay nakalagay. Dahil gutom na gutom ang aktres, inakala niya na ang mga pagkain na nasa tabi nila ay ang pagkain na sini-serve sa mga artista bilang hapunan.
Nang akmang kukunin na ng taga-produksiyon ang mga props na pagkain para ilagay na sa presidentiable table, laking-gulat nila na iilang pirasong sugpo na lang ang naiwan sa plato. Importante pa naman ‘yun kasi nga ‘syala’ ang handaan.
‘Yun pala, nilantakan ng aktres ang mga sugpo na hindi man lang nagtanong kung para saan ‘yun sa sobrang kagutuman. Walang magawa ang mga taga-produksiyon kundi gawan ng paraan pero, hindi na sugpo dahil dis-oras na ng gabi ‘yun.
Hiyang-hiya raw ang aktres pero, deadma na lang din ito.
Written by: Glenn Regondola

No comments