John Llyod Cruz natawa sa isyung may anak siyang 16 years, hirit nya "Kapag meron kang anak, hindi mo ito puwedeng iitsa-puwera"
Buong ningning na sinagot ni John Lloyd Cruz ang mga tanong namin nang
makausap ko siya sa taping ng Home Sweetie Home, lalo na `yung tungkol
sa diumano ay may 16 years old na raw siyang anak.
Nagsimula ito sa isang blind-item sa isang blog, pero kahit blind-item, halos tukoy na tukoy naman yata ang tinutukoy.
Knowing John Lloyd, hindi na ito papatol sa ganitong isyu, pero dahil tinatanong na raw siya, sinagot na rin niya. Sabi nga niya, kung 16 years old na raw ang sinasabing anak daw niyang babae, eh, ‘di lumalabas, 15 years old pa lang daw siya noon.
May kuwento pa raw na dinala raw niya sa ASAP sa L.A. at pinakilala raw niyang pamangkin ang bata.
Natatawa na nga lang si John Lloyd, sabi nga niya, hindi pa naman daw siya handa para gumawa ng bata at the age of 15. Nakakahiya naman daw sa mga magulang niya.
Simple lang nga ang sabi ni John Lloyd, kung totoo raw ang claim, ang dapat daw ginawa, lumapit talaga sa kanya o sa tamang proseso.
Very confident din si John Lloyd na wala pa siyang anak. Sabi pa niya, malaki raw ang “aral” na natutunan na niya mula sa mga kapatid na nagkaroon ng anak at gayundin sa mga pinsan niya.
At alam daw niya na kapag meron kang anak, hindi mo ito puwedeng iitsa-puwera dahil baka kapag oras na gusto na niyang magka-anak, saka siya hindi mabiyayaan.
Kaya sabi pa niya, mature ang pananaw niya sa mga ganitong bagay.
John Llyod sa isyung mag-eexpired na ang kanyang kontrata.
Maayos din niyang sinagot ang hindi pagkakatuloy ng project nila nina Maja Salvador at Jericho Rosales. Nabanggit niya na magkakaroon ng conflict dahil ang network contract pala ng actor ay magtatapos na rin ngayong October.
Although August pa yata nasabi ang teleserye pero ngayon pa lang daw ito magsisimulang mag-taping, matatamaan ang pag-expire ng kontrata niya.
Obviously, naging maayos naman ang hindi pagkakatuloy ni John Lloyd. Okey rin talaga ang actor dahil nagagawa niyang maiayos lahat, lalo na ang tungkol sa kontrata dahil kung seryoso kang actor, isa ‘yun sa talagang una mong aayusin para walang magiging problema.
Anyway, wala man si John Lloyd na teleserye, patuloy pa rin namang napapanood si John Lloyd bilang si Romeo sa Home Sweetie Home at sabi nga niya sa amin, sobrang saya siya sa isang taong sitcom na rin niya na ito with Toni Gonzaga.
Written by: Rose Garcia

No comments