Da WHO: Pretty Actress nawala sa ere nang iwan ng top exec ng TV Network.
MATAGAL-TAGAL ding nag-ingay ang pangalan ng not so young, not so old na pretty actress sa kinabibilangang TV network. Yes, sunod-sunod kasi ang proyekto ni nasabing actress na pawang lead roles kaya naman napansin uli ang name niya sa industriya.
Well, bukod sa magaling umarte si aktres, kaya pala siya in-demand sa estasyon ay dahil naging “mistress” umano ito ng dating Top executive roon na may relasyon din pala sa Kapuso actress na ngayon ay nasa field na rin ng hosting.
Anyhow, ngayong waley na sa said network si nasabing executive, tila nganga na rin si actress sa kawalan ng project ngayon.
Kung nagkakaroon man ay guesting lang sa kung anik-anik na show. Mabuti na nga lang at may ilang endorsement ito at may datung na rin naman kaya hindi siya magiging poor tulad ng iba riyan.
Zinolala si tinutukoy nating magandang aktres? Go na lang kayo sa dagat at mag-swimming kayo roon gyud!
Written by: Peter Ledesma/Remate
No comments