Loading...

Breaking News

Da WHO: Aktor hirap umarte, isang eksena inaabot ng 32 takes bago makuha.

Problemado ang director ng isang teleserye ng isang network dahil pahintu-hinto ang kanilang taping. Kalat na kalat ang balitang hindi raw maka-deliver ang lead star ng soap na inaabot ng 32 takes ang isang eksena.

Very challenging pa raw naman ang role ng actor at mga mahuhusay na artista ang kasama niya pero hindi nga siya makaarte nang tama.

Napa-pack up nga raw ang taping at pinagwu-workshop muna ang actor para sa mga susunod na eksena. Problema rin daw na naka-rent na sila ng isang location na kung ilang libo ang bayad nila pero tumatakbo ang araw wala pa silang naa-accomplish na trabaho.

Naaawa naman kami sa actor, kung hindi niya talaga kaya, bakit hindi na lamang siya palitan habang maaga pa para naman hindi mag-suffer ang production?


Written by:  Nora Calderon

No comments