Loading...

Breaking News

Musical Drama Comedy na “Trenderas” ng TV5 waging-wagi sa pinoy viewers.

Nag-enjoy kami sa panonood ng special 1-hour premiere ng bagong musical program ng TV5 na “Trenderas”, na nagsimula noong Sabado.

Bida sa programang ito ang mga nakaka-bilib na mga tinderang biritera sa katauhan ng tatlong up-and-coming stars ng Kapatid Network na sina Isabelle de Leon, Katrina ‘Suklay Diva’ Velarde, at Lara Maigue.

In all fairness sa tatlong dalagang ito, bukod sa surprisingly na nakipag-sabayan sila sa mga beteranong artista pagdating sa acting, ay naloka talaga kami sa kani-kanilang mga bonggang boses na in full-display sa buong pilot episode! Pak na pak ang nakita naming star quality mula sa tatlo, kaya good job sa TV5 sa pag-discover sa kanila ha!

Bukod naman sa mga pasabog na musical numbers na na-enjoy namin nang husto, aliw  na aliw din kami sa katatawanang hatid ng mga komedyanteng sina K Brosas, Kitkat at Cacai Bautista (ang mga kontrabidang tinatawag na “Tres Malditas” sa programa) at ang agaw-eksenang batang beki na si Jayvhot.


Congrats sa TV5 sa isang matagumpay at nakakatuwang pagbubukas ng “Trenderas”. Masarap tumutok tuwing Sabado ng 9:30PM para makitawa at makikanta sa mga kakaibang musical numbers tampok ang mga paboritong OPM hits.

No comments